Arestado ng mga awtoridad ang isang lalaking Wanted Person na may kasong Frustrated Murder matapos mahuli sa Magsaysay Blvd., Tacloban City nito lamang Abril 30, 2025.
Kinilala ni Police Major Joselito B Amistoso, Officer-In-Charge ng Tacloban City Mobile Force Company, ang suspek na si alyas “Rod”, 39 anyos, magsasaka at residente ng San Vicenti, Tolosa, Leyte.
Naaresto ang suspek bandang 5:22 ng hapon ng mga tauhan ng Tacloban City Police Office-City Mobile Force Company sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Frustrated Murder na may inirekomendang piyansa na Php200,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Ang matagumpay na pagkakaaresto sa suspek ay patunay lamang na epektibo ang pagpapatupad ng Pambansang Pulisya sa kanilang sinumpaang tungkulin na maghatid ng serbisyo publiko para sa mas payapa, ligtas at maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian