Arestado ng mga awtoridad ang isang wanted person sa kasong frustrated murder sa Purok Fishpond, Kalanganan 2, Cotabato City noong ika-2 ng Abril 2024.
Kinilala ni Police Captain Rustan P Deaño, Station Commander ng Police Station 3 Cotabato City Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Commander George”, 68 anyos, may asawa, Barangay Lupon, na residente ng naturang lugar.
Naging matagumpay ang pagkakaaresto sa suspek sa isinagawang Manhunt Operation ng tracker team ng Police Station 3 CCPO katuwang ang City Tracker Unit/Regional Drug Enforcement Unit PRO BAR at City Investigation Unit PPO na may koordinasyon sa barangay officials.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Frustrated Murder na may piyansa na Php200,000.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng kanilang sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa mga programa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magkaroon ng maunlad na bansa para sa sambayanang Pilipino tungo sa isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora J Agbuya