Zamboanga del Sur – Timbog ang wanted person sa kasong Falsification of Documents sa ikinasang Manhunt Operation ng Misamis Oriental PNP ngayong Miyerkules, Mayo 4, 2022.
Kinilala ni Police Major Teodoro De Oro, Officer-in-Charge ng Balingasag Municipal Police Station, ang naarestong suspek na si Gorgonio Villadores, 62, may asawa, bank manager, residente ng Brgy. Waterfall, Balingasag, Misamis Oriental.
Ayon kay PMaj De Oro, naaresto ang suspek bandang 8:00 ng umaga sa Brgy Madasigon Molave Zamboanga del Sur ng mga operatiba ng Balingasag Municipal Police Station.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Falsification by Private Individual and Use of Falsified Documents (41 Counts) na may inirekomendang piyansa na Php36,000 bawat piyansa sa 41 counts na may kabuuang piyansa na Php1,476,000.
Ang Misamis Oriental PNP ay mas pinapaigting ang kampanya laban sa kriminalidad upang maging mas maunlad at payapa ang komunidad.
###
Panulat ni Patrolman Edwin Baris/RPCADU 10