Timbog ang isang wanted person na may kasong Estafa ng mga operatiba ng San Fernando City PNP nito lamang Miyerkules, ika-18 ng Enero 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Fernando Acain Jr, Hepe ng San Fernando City PNP, ang suspek na si Grace, 50, residente ng Purok 1, Brgy. Langcuas, City of San Fernando, La Union.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Acain, naaresto ang suspek bandang 7:15 ng gabi sa Purok 1, Brgy. Langcuas, City of San Fernando, La Union.
Nahaharap ang suspek sa kasong Estafa kaugnay sa Falsification of Public Documents na walang rekomendadong piyansa.
Ang operasyon ng San Fernando City PNP ay naging matagumpay sa pakikipagtulungan ng mamamayan upang mapaigting ang kampanya kontra kriminalidad at mapanagot ang mga taong may sala sa batas.
Source: City of San Fernando Police Station
Panulat ni Pat. Viljon Anthony A. Comilang