Timbog ang isang wanted person sa kasong Estafa sa ikinasang operasyon ng Iligan City PNP sa Sitio Nonucan, Maria Cristina, Iligan City nito lamang ika-31 ng Disyembre 2024.
Kinilala ni Police Captain Reagan Y Adap, Officer-In-Charge ng Iligan City Police Station 2, ang naarestong suspek na si alyas “Butik”, lalaki, Security guard at residente ng Purok 3, Tongo, Iligan City.
Bandang 6:00 ng gabi nang maaresto ang suspek sa isinagawang Manhunt Charlie Operation ng Iligan City Police Station 21 at 2, sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Estafa.
Ang Iligan PNP ay patuloy sa pagpapatupad ng batas para mapanagot ang mga nagkasala at mapigilan ang paglaganap ng krimen sa komunidad.