Timbog ang isang Wanted Person na may kasong Estafa sa ikinasang Oplan Pagtutugis ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit BAR sa Poblacion 1, Parang, Maguindanao del Norte nito lamang ika-5 ng Abril 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Arbel C Mercullo, Chief ng CIDG RFU BAR, ang suspek na si alyas “Ronie”, 33 anyos, at residente ng naturang lugar.
Bandang 5:00 ng hapon nang isagawa ang operasyon sa pinagsanib pwersa ng mga tauhan ng Tracker Team ng CIDG Maguindanao PFU, katuwang ang RFU BAR RSOT, Cotabato CFU, at Parang MPS, sa bisa ng Warrant of Arrest laban sa nasabing suspek para sa kasong Estafa sa ilalim ng Article 315 (1)(B) ng Revised Penal Code.
Ang matagumpay na operasyon na ito ay nagpapakita na ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay patuloy sa pagpapaigting ng kanilang sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa programa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na magkaroon ng maayos, mapayapa, at maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Veronica Laggui