Arestado ng mga awtoridad ang Wanted Person na may kasong Child Abuse matapos ang matagumpay na paghahain ng Warrant of Arrest ng Cordova PNP sa Purok Caimito, Barangay Cogon, Cordova, Cebu noong ika-6 ng Enero 2025.
Kinilala ni Police Major Joffre D Grande, Chief of Police ng Cordova Municipal Police Station, Cebu Police Provincial Office, ang suspek na si alya “Jesus”, 40 taong gulang, residente ng nabanggit na lugar.
Bandang 2:48 ng hapon nang ihain ng mga awtoridad ang Warrant of Arrest sa kasong Child Abuse under Section 3 (B) ng Republic Act 7610 o “Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation, and Discrimination
Ang mga kapulisan ng Cordova ay patuloy na nagsusumikap na mahuli ang mga wanted person upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan tungo sa isang Bagong Pilipinas.