Naaresto ng mga operatiba ng Pangasinan Police Provincial Office ang isang Wanted Person na may kasong Carnapping nitong Lunes, ika-4 ng Disyembre 2023.
Kinilala ni Police Colonel Jeff Fanged, Provincial Director ng Pangasinan Police Provincial Office, ang suspek na si Fernando Horfilla Cabreros, 39 at residente ng Brgy. Tobor, Malasiqui, Pangasinan.
Ayon kay PCol Fanged, naaresto ang suspek bandang 5:00 ng hapon sa Brgy. Poblacion, Pozorrubio, Pangasinan ng pinagsanib na mga tauhan ng Urdaneta City Police Station, Pangasinan Provincial Intelligence Unit at Regional Intelligence Unit ng Police Regional Office 1 sa bisa ng Warrant of Arrest na may inirekomendang piyansa na Php300,000.
Ang matagumpay na pagkakaaresto sa suspek ay patunay sa epektibong pagganap ng mga kapulisan ng kanilang mandato na hulihin at tugisin ang mga taong may pananagutan sa batas.
Source: Urdaneta City Police Station
Panulat ni PSSg Bader Ceasar Ayco