Napasakamay ng pulisya ang isang Wanted Person sa kasong Carnapping sa isinagawang operasyon ng mga otoridad sa Zone 2 Barangay Culianan, Zamboanga City nito lamang ika- 27 ng Disyembre 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Glenn A Desederio, Officer-In-Charge ng Zamboanga City Police Station 4, ang naarestong suspek na si alyas “Kris”, 31 anyos, lalaki at residente ng Purok 1 Barangay Dagohoy Sindangan, Zamboanga Del Norte.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa agenda ng gobyerno na itaguyod ang kaayusan at kaligtasan ng publiko, kapayapaan at seguridad na magkaroon ng maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Joyce Franco