Angono, Rizal – Arestado ang isang wanted person sa kasong Carnapping sa Manhunt Charlie at Oplan Galugad ng Highway Patrol Group-Rizal, nitong Biyernes, Abril 22, 2022.
Kinilala ni Police Captain Manuel Abalos Jr., Provincial Officer ng Highway Patrol Group-Rizal, ang suspek na si John Paul Balongoy y Santiago, 19, nakatira sa Patamaba Lakeside, Brgy. San Vicente, Angono, Rizal.
Ayon kay PCpt Abalos, bandang 4:15 ng hapon naaresto ang suspek sa M. Diaz St. Brgy. San Isidro, Angono, Rizal sa operasyon ng Highway Patrol Group-Rizal sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Carnapping o RA 10883 (New Anti-Carnapping Act of 2016) sa ilalim ng Criminal Case No. 22-196 na may rekomendadong piyansa na Php300,000.
Ang tagumpay ng PNP laban sa mga taong may pananagutan sa batas ay bunga ng pakikipagtulungan at pakikiisa ng mamamayan upang manatiling ligtas at maayos ang komunidad.
###
Panulat ni Patrolman Marvin Avila