Arestado ng pulisya ang isang lalaking Wanted sa kasong Carnapping sa Barangay Sto. Rosario, Naval, Biliran nito lamang ika-12 ng Hunyo 2024.
Kinilala ni Police Major Chamberline B Ludevise, Officer-In-Charge ng Naval Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Echo”,18 anyos, walang trabaho at residente ng Barangay Calumpang, Naval, Biliran.
Bandang 10:15 ng umaga ng maaresto ang suspek ng mga tauhan ng Naval Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Carnapping na may inirekomendang piyansa na Php 300,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Ang pambansang pulisya ay patuloy sa pagtuligsa ng mga taong may pananagutan sa batas upang maging maayos at tahimik ang ating komunidad.
Panulat ni Pat Sheba P Piloneo