Libona, Bukidnon – Tiklo ang isang wanted person sa kasong Attempted Homicide sa Purok 1, Brgy. Poblacion, Libona, Bukidnon, nito lamang Hulyo 26, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Jun Mark Lagare, Provincial Director ng Bukidnon Police Provincial Office ang suspek na si Leo Caibigan y Cañadilla, 27, residente ng Purok 1, Sitio Lapinigan, Brgy. Pongol, Libona, Bukidnon.
Ayon kay PCol Lagare, nadakip ang suspek bandang 11:15 ng umaga sa isinagawang operasyon ng mga operatiba ng Libona Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit-Bukidnon at 1st Bukidnon Provincial Mobile Force Company sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Attempted Homicide.
Ang pagkakaaresto ng suspek ay isa na namang patunay na ang hanay ng PNP ay patuloy sa kanilang hakbang upang hulihin ang bawat personalidad na may pananagutan sa batas.
###
Panulat ni Patrolman Jomhel Tan/RPCADU 10