Arestado ng mga awtoridad ang isang lalaking Wanted Person na may kasong Acts of Lasciviousness matapos mahuli sa Barangay Villa Rosas, Burauen, Leyte nito lamang ika-25 ng Pebrero 2025.
Kinilala ni Police Major John Rey R Layog, Acting Chief of Police ng Burauen Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Wil”, 62 anyos, magsasaka at residente ng Barangay Matin-ao, Burauen, Leyte.
Bandang 1:30 ng hapon nang maaresto ang suspek ng mga tauhan ng Burauen Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Article 336 ng Revised Penal Code na may inirekomendang piyansa na Php36,000 para sa pansamantalang kalayaan.
Ang Pambansang Pulisya ay hindi titigil sa pagtugis sa mga nagkasala at patuloy na nagkakasala sa batas upang matiyak ang kaayusan at katahimikan sa ating bansa. Dahil sa Bagong Pilipinas, ang gusto ng pulis, ligtas ka!.