Davao de Oro – Arestado ang isang wanted person sa patuloy na isinasagawang Manhunt Charlie operation ng mga awtoridad sa Purok 3, Brgy. Del Pilar, Mabini, Davao de Oro nito lamang Oktubre 8, 2023.
Kinilala ni Police Major Janus Lumbaya Macli-Ing, Chief of Police ng Mabini Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Sherwin”, 43, residente ng naturang barangay.
Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 4 Counts ng Acts of Lasciviousness Under Art. 336 of the Revised Penal Code na may piyansang inirekomenda na Php720,000.
Pinuri naman ni Police Brigadier General Alden Delvo, Regional Director ng Police Regional Office 11, ang nasabing pagkakadakip sa suspek dahil sa magandang ugnayan ng mamamayan at kapulisan.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara