Arestado ng mga awtoridad ang isang lalaking Wanted Person na may kasong 2 Counts of Rape by Sexual Assault matapos mahuli sa Barangay Opong, Tolosa, Leyte nito lamang Enero 11, 2025.
Kinilala ni Police Major Ambrocio V Demain, Officer-In-Charge ng Dulag Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Erwin”, 33 anyos at residente ng Barangay Dacay, Dulag, Leyte.
Bandang 7:15 ng umaga nang maaresto ang suspek ng mga tauhan ng Dulag Municipal Police Station at sa koordinasyon sa Tolosa Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong 2 Counts of Rape by Sexual Assault sa ilalim ng article 266-A ng Revised Penal Code kaugnay sa Section 5(B) ng Republic Act 7610 o “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act” na may piyansa na Php180,000 para sa pansamantalang kalayaan.
Patunay na ang Leyte PNP ay hindi nagpapabaya sa kanilang sinumpaang tungkulin na hulihin ang mga taong tiwalag sa batas upang mapanatiling ligtas ang komunidad ng sa gayon maipatupad ang kapayapaan ng bansa para sa ligtas at maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian