Arestado ng mga awtoridad ang isang lalaking Wanted Person na may kasong 11 Counts ng Lascivious Conduct sa Barangay Poblacion, Tabango, Leyte nito lamang Abril 15, 2025.
Kinilala ni Police Captain Anthony-Re B Amora, Officer-In-Charge ng Tabango Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Bolantoy”, 37 anyos at residente ng Barangay Poblacion, Tabango, Leyte.
Naaresto ang suspek bandang 10:03 ng tanghali ng mga tauhan ng Tabango Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong 11 Counts ng Lascivious Conduct na may inirekomendang piyansa na Php200,000 para sa pansamantalang kalayaan.
Ang ating kapulisan ay patuloy na maglulunsad ng mga operasyon para mahuli ang mga taong may pananagutan sa batas upang maihatid ang hustisya sa kanilang mga naging biktima at mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng ating komunidad tungo sa minimithi natin na Bagong Pilipinas.