Davao City – Arestado ang isang Wanted Person sa patuloy na isinasagawang Manhunt Charlie operation ng mga tauhan ng PNP sa Purok 10 Brgy. Bunawan, Davao City, noong Hulyo 8, 2023.
Kinilala ni Police Major Robel Saavedra, Acting Station Commander ng Bunawan Police Station, ang suspek na si alyas “Jonathan”, 36, residente ng nasabing lugar na kabilang sa mga wanted person sa lugar.
Ayon kay PMaj Saavedra, inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa PD 1602 (Prescribing Stiffer Penalties on Illegal Gambling) na may Php30,000 piyansang inirekomenda na inihain ng mga tauhan ng Bunawan PS.
Ang matagumpay na operasyon ay bunga ng magandang ugnayan at pagmamalasakit ng mamamayan at kapulisan sa komunidad na magdadala sa kaayusan at kaunlaran ng bansa.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara