Balamban, Cebu (February 4, 2022) – Arestado ang isang wanted person sa Balamban, Cebu sa isinagawang manhunt operation ng mga tauhan ng Balamban Municipal Police Station na pinamumunuan ni PMaj Reyco Roma Romaguera, Acting Chief of Police, sa Brgy. Sta. Cruz, Balamban, Cebu.
Ang matagumpay na operasyon ay humantong sa pagkakadakip ng suspek na si Epefanio Librea Manabat Jr., 33 taong gulang, may asawa, residente ng Sitio Bangbang, Brgy. Cantuod, Balamban, Cebu. Ang suspek ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa Section 5 (1) ng R.A. 9262 (The Anti-Violence Against Women and Children Act of 2004). Nagkakahalaga ng Php72,000 pesos ang piyansa para sa pansamantalang kalayaan.
Si Manabat ay nasa kostudiya ng Balamban MPS para sumailalim sa maayos na disposisyon.
Ang matagumpay na kampanya laban sa kriminalidad ay makakamit sa pamamagitan ng pagtutulungan ng pulisya at mamamayan.
####
Panulat ni Patrolman Edmersan Llapitan
Good job po s mga kapulisan
Congratulations sa kapulisan ng Balamban, Cebu?