Tagbilaran City, Bohol – Arestado ang isang Wanted Person ng Tagbilaran City, Bohol sa ikinanasang operasyon ng Bohol PNP nito lamang umaga ng Sabado, ika-25 ng Hunyo 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Regie P. Real, Hepe ng Tagbilaran City Police Station ang naarestong suspek na si Casanoding Sultan Alangadi, 24, residente ng Barangay Taloto, Tagbilaran City, Bohol.
Ayon kay PLtCol Real, naaresto ang suspek bandang 8:50 ng umaga sa Barangay Cogon, Tagbilaran City, Bohol ng mga operatiba ng Tagbilaran Police Station, RIU 7 Bohol PIT, 702nd RMFB7, CIDG Bohol, PHPT-Bohol, Bohol MARPSTA at ng RSOG Bohol.
Ayon pa kay PLtCol Real, ang suspek ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa RA 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012 na may Criminal Case Number 25861 at may kaukulang piyansa na Php30,000.
Ang matagumpay na pagkakadakip sa suspek ay bunga ng maayos na pakikipagtulungan ng komunidad at pinaigting na kampanya ng pulisya laban sa mga taong may pananagutan sa batas.
###
Panulat ni Patrolman Carl Philip L Galido