Timbog ng pulisya ang isang wanted person sa Brgy. Poro, City of San Fernando, La Union bandang 3:30 ng tanghali nito lamang Biyernes, ika-2 ng Pebrero 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Fernando G Acain Jr, Hepe ng City of San Fernando PNP, ang suspek na si Deo Jems Rulloda y Espiloy, 25, at residente ng Brgy. Poro, City of San Fernando, La Union.
Ayon kay PLtCol Acain Jr, nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act na may Php200,000 na rekomendadong piyansa.
Ang operasyon ng City of San Fernando PNP ay naging matagumpay sa pakikipagtulungan ng mamamayan upang mapaigting ang kampanya kontra kriminalidad at mapanagot ang mga taong may sala sa batas.
Source: City of San Fernando Municipal Police Station
Panulat ni Pat. Viljon Anthony A. Comilang