Arestado sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad ang wanted person na may kasong Theft sa Barangay Tomas Cabili, Iligan City nito lamang ika-11 ng Abril 2025.
Kinilala ni Police Captain Jaazaniah Jose M Bongcawil, Deputy Station Commander ng Iligan City Police Station 2, ang suspek na si alyas “JP”, 26 anyos, construction worker, at residente ng nasabing lugar.
Ang naturang operasyon ay isinagawa para hulihin ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Theft na may rekomendadong piyansa na Php10,000.
Patuloy ang mga kapulisan ng PRO 10 na protektahan ang mga mamamayan mula sa anumang uri ng krimen upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa buong bansa.
Panulat ni Pat Sendrijas