Arestado ang isang wanted person na may kasong Rape sa operasyon ng Iligan City PNP sa Benito Labao St. Poblacion, Iligan City, Lanao del Norte nito lamang ika-21 ng Marso 2025.
Kinilala ni Police Colonel Jerry A Tambis, Acting City Director ng Iligan City Police Office, ang suspek na si alyas “Ric”, 51 anyos, businessman at residente ng Barangay Saray, Iligan City.
Bandang 8:56 ng gabi naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape na may rekomendadong piyansa na Php120,000.
Sa pamamagitan ng walang humpay na operasyon ng Iligan City PNP, mas papaigtingin pa ang pagganap sa tungkulin upang mapanagot ang mga tiwaling indibidwal na may pananagutan sa batas.