Arestado ng Basud PNP ang isang Wanted Person sa kasong Child Abuse sa Purok 1, Barangay Angas, Basud, Camarines Norte bandang 11:55 ng umaga nito lamang Abril 1, 2024.
Kinilala ang akusado na si alyas “Rey”, binata at residente ng nabanggit na lugar.
Naaresto ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest sa isinagawang manhunt operation ng tauhan ng Basud Municipal Police Station na may kasong paglabag sa Section 10 (a) ng Republic Act 7610 (Child Abuse) na may piyansang Php80,000.
Bilang pagsuporta sa programa ng ating Pangulong Ferdinand R Marcos Jr na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan ng ating bansa, ang Pambansang Pulisya ay patuloy na ipapatupad ang mga batas upang masiguro na payapa, ligtas at maayos ang ating komunidad tungo sa Bagong Pilipinas.
Source: Basud MPS CNPPO
Panulat ni Pat Rodel Grecia