Walang takas sa mga awtoridad ang isang lalaking Wanted Person na may kasong Acts of Lasciviousness matapos mahuli sa Barangay Punong, Matalom, Leyte nito lamang Abril 4, 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Maximo M Beleo, Force Commander ng 1st Leyte Provincial Mobile Force Company, ang suspek na si alyas “Nic”, 69 anyos, magsasaka at residente ng Barangay Tagaytay, Bato, Leyte.
Bandang 2:30 ng hapon nang maaresto ang suspek ng mga tauhan ng 1st Leyte Provincial Mobile Force Company kasama ang Matalom Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Acts of Lasciviousness na may inirekomendang piyansa na Php200,000 para sa pansamantalang kalayaan.
Ang Pambansang Pulisya ay hindi titigil sa pagtugis sa mga nagkasala at patuloy na nagkakasala sa batas upang matiyak ang kaayusan at katahimikan sa ating bansa. Dahil sa Bagong Pilipinas, ang gusto ng pulis, ligtas ka!.