Monday, May 26, 2025

Wanted Person na kukuha sana ng Police Clearance, arestado ng Wao PNP

Lanao del Sur – Arestado ang isang lalaki matapos itong magtangkang kumuha ng police clearance sa Wao Municipal Police Station sa Brgy. Western, Wao, Lanao del Sur nito lamang ika-31 ng Hulyo 2023.

Kinilala ni Police Brigadier General Allan Nobleza, Regional Director ng PRO BAR ang naaresto na si alyas “Ricky”, nasa hustong taong gulang, residente ng Sitio Kapigis, na tinaguriang Top 9 Most Wanted Person sa Municipal level ng Sta. Ana Police Station 1, Davao City Police Office.

Ang naarestong suspek ay kukuha sana ng police clearance nang malaman ng mga awtoridad na mayroon itong standing Warrant of Arrest dahil sa kasong Rape.

Matapos arestuhin ay dinala sa Wao District Hospital ang suspek para sa medikal na pagsusuri, at ngayon ay pansamantalang nakakulong sa Wao MPS bago i-turn over sa Sta. Ana Police Station 1, Davao City Police Office at sa issuing court para sa tamang disposisyon.

Samantala, pinuri naman ni PBGen Nobleza ang pagiging alerto at epektibong pagtutulungan ng mga operatiba sa likod ng matagumpay na pag-aresto.

“Sa paggamit ng National Police Clearance System, ang pagsubaybay sa mga suspek na may derogatory records ay naging mas madali, na isang mahalagang kasangkapan sa aming paghabol sa mga wanted na kriminal” ani PBGen Nobleza.

Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,580SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles