Catarman, Camiguin – Boluntaryong sumuko ang isang Wanted Person sa tanggapan ng Catarman PNP nito lamang Martes, Mayo 17, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Elias Hampac, Officer-in-Charge ng Camiguin Police Provincial Office, ang sumuko na si Romeo Caharian Amor II, 28, seaman at residente ng Alga, Catarman, Camiguin.
Ayon kay PCol Hampac, dakong 9:50 ng umaga nang personal na pumunta ang suspek sa tanggapan ng Catarman PNP upang harapin ang Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa RA 9995 o Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009.
Hinihikayat ng Pambansang Pulisya sa mga taong nagtatago sa batas na mas mabuti ng sumuko na lamang upang mapairal ang kapayapaan.
###
Panulat ni Patrolman Joshua C Fajardo/RPCADU 10