Zamboanga City – Arestado ang Wanted Person at Supporters ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa isinagawang counter terrorism operation ng Zamboanga PNP nito lamang Martes, Mayo 3, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Albert Larubis, Provincial Director ng Zamboanga Sibugay ang naarestong suspek na si Abdul Salikala, residente ng Siocon, Zamboanga Del Norte.
Ayon kay PCol Larubis, bandang 4:30 ng hapon nang maaresto ang suspek, sa Sitio DK, Brgy. Libertad, Tungawan, Zamboanga Sibugay sa pinagsanib na puwersa ng Special Action Force; Criminal Investigation Detection Group-Zamboanga Sibugay Field Unit; Regional Intelligence Division; Sangali Municipal Police Station; Tungawan Municipal Police Station; 42nd Infantry Battalion at 9th Infantry Division-Philippine Army.
Napag-alaman din na kabilang si Salikala sa Inspired/Supporter ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) at miyembro din ng Hassan Criminal Gang.
Ayon pa kay PCol Larubis, inaresto si Salikala sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na may Criminal Case Number 25665-66 na walang inirekomendang piyansa.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa mandato na ipatupad ang batas at siguraduhin ang kaligtasan ng bawat mamamayan.
###
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong/PRO 9