San Quintin, Pangasinan – Arestado ang isang Wanted Person sa ikinasang Manhunt Charlie Operation ng mga tauhan ng San Quintin Police Station sa kasong paglabag sa RA 7610 sa Brgy. Alac, San Quintin, Pangasinan nitong Huwebes, ika-20 ng Oktubre 2022.
Kinilala ni Police Captain Ramsey Ganaban, Hepe ng San Quintin Police Station, ang suspek na si Mark Joseph Viduya y Ferreria, 23, residente ng Brgy. Alac, San Quintin, Pangasinan.
Ayon kay PCpt Ganaban, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag ng Article III Sec. 5 (b) ng RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act na may kaukulang piyansa na Php80,000.
Ayon pa kay PCpt Ganaban, naaresto ang suspek bandang 12:00 ng hapon sa kanyang tinitirhan ng mga operatiba ng San Quintin Police Station.
Ang matagumpay na pagkakaaresto sa suspek ay tanda ng epektibong pagganap ng mga miyembro ng Philippine National Police ng kanilang mga tungkulin upang mabigyan ang mga mamamayan ng mas ligtas at mas payapang komunidad.
Source: San Quintin Police Station
Panulat ni PSSg Bader Ceasar B. Ayco