Matagumpay na napasakamay ng mga tauhan ng San Carlos City Police Station ng Pangasinan Police Provincial Office ang isang Wanted Person nitong Lunes, ika-18 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Itong”, 55 taong gulang at residente ng Barangay Ano, San Carlos City, Pangasinan.
Naaresto ang suspek bandang 3:44 ng hapon sa Barangay Bugallon-Posadas St., San Carlos City, Pangasinan ng mga operatiba ng San Carlos City Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Illegal Possession and Use of False Treasury or Bank Notes and Other Instrument of Credit (Failure to appear in open Court) na walang itinakdang piyansa.
Patuloy ang epektibong pagganap ng kapulisan sa kanilang mandato na tugisin at hulihin ang mga may pananagutan sa batas.
Source: San Carlos City Police Station
Panulat ni PMSg Bader Ceasar Ayco