Naaresto ng mga awtoridad ang isang Wanted Person na may kasong paglabag sa Republic Act 7610 sa Barangay Caglawan, Jaro, Leyte, nito lamang ika-2 ng Abril 2024.
Kinilala ni Police Captain Nicky B Bermudo, Officer-In-Charge ng Jaro Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Auro”, 31 anyos at residente ng Barangay Licod, Jaro, Leyte.
Bandang 10:20 ng umaga nang maaresto ang akusado ng pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng Jaro Municipal Police Station at 805th Maneuver Company, Regional Mobile Force Company 8 sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong paglabag sa RA 7610 o Special Protection of Children against Abuse, Exploitation and Discrimination Act na walang piyansa.
Patuloy na isinasagawa ng Pambansang Pulisya ang nagkakaisang layunin na hulihin ang mga taong may pananagutan sa batas upang mapanatiling ligtas at payapa ang komunidad.
Panulat ni Patrolwoman Cristel D Palafox