Arestado ng Iligan City PNP ang isang Wanted Person sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 sa isinagawang Manhunt Charlie Operation sa Purok 5 Barangay Tipanoy, Iligan City nito lamang ika-16 ng Disyembre 2024.
Ang naturang operasyon ay pinangunahan ni Police Lieutenant Vicente A Silva Jr, Deputy Station Commander ng Iligan City Police Station 1, katuwang ang tracker team ng naturang istasyon at Intel Operatives.
Ayon kay PLt Silva, bandang 1:00 ng hapon ikinasa ang operasyon na nagresulta sa pagkakadakip ng suspek na si alyas “Dodong”, lalaki at residente ng Zone Begonia, Suarez, Iligan City.
Nadakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children Act of 2002.
Patuloy ang Iligan City PNP sa pagsasagawa ng mga operasyon para mahuli ang mga taong may pananagutan sa batas upang mapanatiling ligtas at payapa ang komunidad.