Oriental Mindoro – Timbog ang isang Wanted Person sa isinagawang operasyon ng Mansalay Municipal Police Station sa Barangay Balugo, Mansalay, Oriental Mindoro noong ika-1 ng Nobyembre 2022.
Kinilala ni Police Major Joel Saguid, Acting Chief of Police ng Mansalay MPS, ang suspek na may alyas na “Nonoy”, residente ng Sitio Proper, Barangay Balugo, Mansalay, Oriental Mindoro.
Ayon Kay PMaj Saguid, naaresto ang suspek bandang 3:30 ng hapon sa isinagawang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng mga tauhang Mansalay MPS, Provincial Intelligence Unit Oriental Mindoro Police Provincial Office, 3rd Platoon, 2nd Provincial Mobile Force Company, 403rd Battalion Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion MIMAROPA.
Arestado ang suspek sa bisa ng Warant of Arrest sa kasong rape dahil sa paglabag sa R.A 8353 sa pamamagitan ng Sexual Assault in Relation to R.A. 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng Php200,000.
Ang Pambansang Pulisya ay hindi titigil sa kampanya laban sa pagsugpo sa kriminalidad, droga at terorismo para sa kaligtasan ng mamamayan at ng bansa.
Source: Mansalay MPS
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus