Arestado ang isang wanted person sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 sa Barangay Saray, Iligan City nito lamang ika-12 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ni Police Colonel Reinante B Delos Santos, City Director ng Iligan City Police Office, ang suspek na si alyas “Rob”, 31 taong gulang, at residente ng Barangay Katipunan, Plaridel, Misamis Occidental.
Bandang 11:55 ng gabi ikinasa ang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Patunay lamang na ang Iligan PNP ay patuloy sa pagpapaigting kontra ilegal na droga para sa seguridad at kaligtasan ng komunidad.