Davao City – Arestado ang isang indibidwal sa patuloy na isinasagawang Manhunt Charlie Operation ng PNP sa Brgy. 76-A Bucana, Davao City, noong Hunyo 13, 2023.
Kinilala ni Police Major Rosario Aguilar, Station Commander ng Ecoland Police Station, ang suspek na si alyas “Nelson”, 46, residente ng nasabing barangay na kabilang sa mga wanted person sa lugar.
Ayon kay PMaj Aguilar, inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inihain ng mga tauhan ng Ecoland PS sa kasong Presidential Decree 1602 o Anti – Gambling Law na may piyansang inirekomenda na Php30,000.
Nagbabala naman ang Police Regional Office 11 sa mga lumalabag sa batas dahil sila ay hindi titigil upang sugpuin at hulihin ang mga nagtatago sa batas.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara