Davao del Norte – Arestado ang isang lalaki sa patuloy na isinasagawang Manhunt Charlie operation ng PNP sa Barangay Mankilam, Tagum City, Davao del Norte, noong Enero 11, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Jay Dema-Ala, Acting Chief of Police ng Tagum City Police Station, ang suspek na si alyas “Guillermo”, 56, residente ng Purok 3 Barangay New Balamban, Tagum City, Davao Del Norte na kabilang sa mga wanted person ng rehiyon.
Ayon kay PLtCol Dema-Ala, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Reckless Imprudence resulting in Homicide sa ilalim ng Revised Penal Code Article 365 na inihain ng tauhan ng Tagum CPS.
Patuloy sa pagsasagawa ng Manhunt Charlie Operation ang Police Regional Office 11 katuwang ang mamamayan upang matamasa ang kaayusan at kapayapaan sa lungsod tungo sa kaunlaran ng bansa.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara