San Fernando, Bukidnon – Timbog ang wanted person sa kasong Frustrated Murder ng Quezon PNP nito lamang Sabado, May 7, 2022.
Kinilala ni Police Major Noel Cano, Officer-in-Charge ng Quezon Municipal Police Station, ang naarestong suspek na si Andy Flores, 40, alyas ” Bodik”, may asawa, residente ng Kiburiao, Quezon, Bukidnon.
Ayon kay PMaj Cano, bandang 8:30 ng umaga naaresto ang suspek sa P-4 Sacramento Valley, San Fernando, Bukidnon sa pinagsanib pwersa ng San Fernando Municipal Police Station, 2nd Bukidnon Police Mobile Force Company at 1003rd Regional Mobile Force Battalion 10.
Ayon pa kay PMaj Cano, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Frustrated Murder na may Criminal Case No. 15833-06 at may inirekomendang piyansa na Php 200,000.
Ang Bukidnon PNP ay pananatilihin ang kapayapaan at katahimikan sa kanilang nasasakupan.
###
Panulat ni Edwin Baris/RPCADU 10