Katipunan, Zamboanga del Norte – Arestado ang wanted person ng Zamboanga del Norte sa isinagawang Manhunt Charlie sa kasong paglabag sa R.A. 9262 nito lamang Abril 4, 2022.
Kinilala ni Police Major Vincent Virtudazo, Acting Chief of Police ng Katipunan Municipal Police Station, ang naarestong suspek na si Mark Oliver Perfecto Hantong, alyas “Dodoy”, 24, pintor at residente ng Purok 7, Barangay San Antonio, Katipunan, Zamboanga del Norte.
Ayon kay PMaj Virtudazo, bandang 11:30 ng umaga naaresto ang suspek sa naturang lugar ng mga operatiba ng Katipunan Municipal Police Station, Criminal Investigation and Detection Group – Dipolog City at 1st Provincial Mobile Force Company.
Ayon pa kay PMaj Virtudazo, naaresto si Dodoy sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 (Section 5 (I) of R.A 9262, na walang inirekomendang piyansa.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa mandato na ipatupad ang batas at siguraduhin ang kaligtasan ng mamamayan.
Source: Katipunan Municipal Police Station
###
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong, RPCADU 9