Walang takas ang isang wanted person matapos itong maaresto ng Sto. Domingo PNP bandang 11:00 ng gabi sa Barangay Napo, Sto. Domingo, Ilocos Sur nito lamang ika-27 ng Hulyo 2024.
Kinilala ni Police Captain Joseph R Fieldad, Officer-In-Charge ng Sto. Domingo PNP, ang suspek na si Constantino Lazo Tababa, 56 taong gulang, at residente ng Barangay Pussuac, Sto Domingo, Ilocos Sur.
Ayon pa kay Captain Fieldad, nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 na may kaukulang piyansa na Php180,000.
Samantala, nangangako naman ang Sto. Domingo PNP na patuloy nilang gagampanan ang kanilang tungkulin at sinisigurado nila na walang makakalusot sa batas upang mapanatiling ligtas at malayo sa kapahamakan ang mamamayan sa kanilang nasasakupan.
Source: Sto. Domingo Municipal Police Station
Panulat ni Patrolman Viljon Comilang