Polilio, Quezon – Naaresto ang isang Wanted Person sa isinagawang operasyon ng kapulisan ng Polilio nito lamang Huwebes, Marso 24, 2022.
Kinilala ni Police Captain Christopher Reaño, Chief of Police ng Polilio Municipal Police Station ang naarestong suspek na si Romeo Cyril Seguerra y Sebilio, residente ng Brgy. Bañadero, Polilio, Quezon.
Ayon kay PCpt Reaño, bandang 4:30 ng hapon naaresto ang suspek sa naturang lugar, ng mga operatiba ng Polilio Municipal Police Station.
Ayon pa kay PCpt Reaño, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong paglabag sa Section 5 (e), (2) of Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 sa ilalim ng Criminal Case Number 2022-66-1 na inilabas ni Honorable Raymund Joseph Morales Soroñgon, Acting Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 65 ng Infanta, Quezon noong Marso 1, 2022 at may inirekomendang piyansa na Php36,000.
Ang kapulisan ng Polilio ay patuloy sa pagtugis sa lahat ng may sala sa batas upang ilagay ito sa likod ng rehas.
Source: Polilio Municipal Police Station
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Ronald V Condes