Arestado ang isang lalaki sa isinagawang law enforcement operation ng mga awtoridad sa Purok 5, Barangay Bliss Buug, Zamboanga Sibugay nito lamang Agosto 3, 2024.
Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Ed”, 31 anyos, lalaki, may asawa, magsasaka at residente ng naturang lugar.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Seksyon 5 at 11 ng Republic Act 9165 na walang inirekomendang piyansa.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas katuwang ang ibang ahensya ng pamahalaan ay hindi nagpapabaya sa sinumpaang tungkulin na hulihin ang mga taong tiwalag sa batas, mapanatiling ligtas ang komunidad, at ipatupad ang kapayapaan ng bansa para sa umuunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patolwoman Joyce Franco