Oriental Mindoro – Timbog ang isang Wanted Person sa isinagawang operation ng Naujan Municipal Police Station sa Barangay Motoderazo, Naujan, Oriental Mindoro noong ika-23 ng Enero 2023
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Nonato Banania Jr., ang suspek na may alyas na “Max”, residente ng Barangay Motoderazo, Naujan, Oriental Mindoro.
Ayon kay PLtCol Banania Jr., naaresto ang suspek sa isinagawang joint operation ng mga tauhan ng Naujan MPS, 1st Provincial Mobile Force Company Oriental Mindoro PPO, 404th Battalion Maneuver Company RMFB, Criminal Investigation and Detection Group Provincial Forensic Unit Oriental Mindoro at 10th Special Action Battalion PNP SAF.
Ayon pa kay PLtCol Banania Jr., naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa Chainsaw Act of 2002 ng R.A. 9175 o ang An Act Regulating the Ownership, Possession, Sale, Importation and Use of Chain Saws, Penalizing Violations Thereof and for Other Purposes na may inirekomendang piyansa na Php48,000.
Ang Pambansang Pulisya ay hindi titigil sa kampanya laban sa pagsugpo sa kriminalidad, droga at terorismo para sa kaligtasan ng mamamayan at ng bansa.
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus