Arestado ng Mapandan PNP ang isang wanted person na may kasong Acts of Lasciviousness sa Barangay Luyan, Mapandan, Pangasinan, nito lamang ika-18 ng Hunyo 2024.
Kinilala ni Police Major Mike Angelo D Refuerzo, Officer-In-Charge ng Mapandan Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Ang,” 32, residente ng Barangay Luyan, Mapandan, Pangasinan.
Ayon kay Police Major Refuerzo, bandang 5:30 ng hapon nang ikinasa ang operasyon sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Acts of Lasciviousness under Article 336 ng Revised Penal Code as amended by Republic Act 8353 and further amended by R.A. 11648, na may piyansang nagkakahalaga ng Php108,000.
Ang pagtugis sa mga nagkasala sa batas ay naglalayong panatilihin ang kaayusan at kapayapaan sa komunidad, na mahalaga para sa kaligtasan ng mga mamamayan.
Source: Mapandan Municipal Police Station