Arestado ang isang wanted person sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa bisa ng Warrant of Arrest sa Zone 6, Mariano Badells St., Barangay Poblacion, Iligan City noong ika-7 ng Marso, 2025.
Kinilala ni Police Captain Michael Angelo C. Roldan, Officer-In-Charge ng Iligan City Police Station 4, ang suspek na si alyas “Dodz”, 29 taong gulang, single, baker, residente ng Purok 1A, Barangay Tambacan, Iligan City,
Nananawagan ang mga awtoridad sa iba pang mga wanted person na nagtatago at hinihikayat na sumuko. Ang Illigan City PNP ay patuloy na magsasagawa ng mga operasyon upang matugis at maaresto ang mga nagtatago sa batas.
Panulat ni Pat Rizza C Sajonia