Calapan City, Oriental Mindoro – Arestado ang isang wanted person ng Calapan City Police Office sa Barangay Sapul, Calapan City, Oriental Mindoro noong Setyembre 3, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Anthony Ramos, Chief of Police ng Calapan CPS, ang suspek na si alyas “Pikoy”, residente ng Brgy. Sapul, Calapan City, Oriental Mindoro.
Ayon kay PLtCol Ramos, naaresto ang suspek sa pangunguna ng mga tauhan ng Calapan CPS at ng 1st Provincial Mobile Force Company Oriental Mindoro.
Ayon pa kay PLtCol Ramos, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa krimeng Acts of Lasciviousness in relation to Republic Act 7610 na may nakomendadong piyansa na nagkakahalaga ng Php36,000.
Pinatunayan lamang nito na ang pulisya ay walang humpay, matatag at walang pagod sa paghabol sa mga wanted person at ito ay nagsisilbing mahigpit na babala na ang lahat ng uri ng kriminalidad ay magwawakas.
Panulat ni Police Corporal Gerald Manlincon