Banisilan, Cotabato – Timbog ang isang Wanted Person sa isinagawang Simultaneous Anti – Criminality Law Enforcement Operations ng Banisilan Municipal Police Station sa Bayan ng Banisilan, Cotabato, Sabado ng hapon ika-2 ng Hulyo 2022.
Kinilala ni PMaj Elmer Parreño, Acting Chief of Police ng Banisilan MPS, ang suspek na si Mr. Samuel Labanza, 40, residente ng Malaga, Banisilan, Cotabato.
Ayon pa kay PMaj Parreño, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong murder.
Ang PNP ay hinihikayat ang patuloy na pakikipagtulungan at pagsuporta ng mamamayan upang mapanatiling ligtas at maayos ang komunidad.
Source: Banisilan PCR
###
Panulat ni Patrolwoman Sherie-ann Masi