Negros Occidental – Arestado ang isang CTG member sa kasong Attempted Murder sa isinagawang paghahain ng Warrant of Arrest sa Sitio Bucali, Brgy. Carol-an, Kabankalan City, Negros Occidental noong Ika-2 ng Hulyo 2023.
Ang nasabing paghahain at pag-aresto sa suspek ay isinagawa ng pinagsamang pwersa ng 2nd NOCPMFC kasama ang 604th Coy, RMFB6, Kabankalan CCPS, PIU NOCPPO, 300AISW PAF, Reconnaissance Company, RMFB6, 61SAC, 6SAB, 94th IB PA, 33MICO PA, at RIU6.
Ang naarestong suspek ay kinilalang si Rufino Montesino, 74, may asawa, residente ng Sitio Bugni, Brgy. Oringao, Kabankalan City, Negros Occidental, at miyembro ng Central Negros 2, KR-NCBS, WPSR Listed.
Ayong kay PLtCol Alvimar Flores, Force Commander ng 604th Coy, RMFB6, naaresto ito sa bisa ng awarrant of Arrest sa kasong Attempted Murder na may rekomendadong piyansa na Php120,000 para sa pansamantalang kalayaan.
Ang matagumpay na pag-aresto sa akusado ay resulta ng epektibong pagganap ng ating kapulisan sa pagsusulong ng kapayapaan at sa pagsugpo ng kriminalidad, terorismo at insurhensiya.