Naaresto ng mga miyembro ng PNP Drug Enforcement Group (PNP PDEG) partikular ng Special Operations Unit -2 sa pangunguna ni PBGEN Remus B Medina, Director, PNP DEG ang isang drug personality na wanted sa iligal na droga sa lalawigan ng Pampanga.
Sa ulat ni PLtCol Cherry Lou Donato, Assistant Chief, DRED, kinilala nito ang drug personality na si Renato Arce Pineda, 54 taong gulang, may asawa, isang karpintero at kasalukuyang naninirahan sa Barangay Telabastangan, San Fernando City sa nasabing lalawigan.
Ang pagkakaaresto kay Pineda ay sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni Hon. Paul Ramil Atolba Jr., Presiding Judge ng RTC Branch 27, Bayombong, Nueva Vizcaya dahil sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002; ganon din ang Republic Act 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition; at ang Republic Act 9516 o ang Codifying the Laws on Illegal/Unlawful Possession, Manufacture, Dealing In, Acquisition or Disposition of Firearms, Ammunition or Explosives or Instrument used In Manufacture of Firearms, Ammunition or Explosives.
Ang nasabing wanted drug personality ay nasa pangangalaga o kustodiya ng Special Operations Unit -2 ng PNP DEG at nakatakdang i-turned-over naman sa court of origin sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.