Ang Pambansang Pulisya ay tiniyak na walang seryosong banta sa seguridad sa bisperas ng halalan dahil sa pagpapatupad ng maigting na seguridad para masiguro ang ligtas at mapayapang National and Local Elections 2025.
Ayon kay Police Brigadier General Jean S Fajardo, Spokesperson ng PNP at Regional Director ng Police Regional Office 3, na sa mismong araw ng halalan ay nakapokus sa deployment, pagsiguro ng seguridad sa mga polling centers, election hubs, checkpoints at border controls, at mga lugar na may mga aktibidad na may kaugnayan sa halalan ang PNP.
Nakataas pa rin sa red alert status ang buong hanay ng PNP upang matiyak na magiging mapayapa, patas at maayos ang eleksyon.
“Wala naman tayong natatanggap na anumang seryosong banta na maaaring makapag-disrupt sa pag-conduct ng election, pero hindi tayo nagku-kumpiyansa. Patuloy po ‘yung ating intelligence gathering and monitoring kasama ‘yung ibang law enforcement agencies para hindi tayo malusutan ng anumang seryosong banta,” ani PBGen Fajardo.