Nueva Vizcaya – Pinangunahan ng kapulisan ng Villaverde ang Revitalized PNP KASIMBAYANAN na inilunsad sa Brgy Ibung, Villaverde, Nueva Vizcaya, nito lamang ika-15 ng Marso 2023.
Kabilang sa mga dumalo ay ang Religious Sectors sa pangunguna ni Pastor Berna Tubayan at Pastor Yvonne Palarca, Barangay Peace Keeping Action Teams (BPATs), mga opisyales ng nasabing barangay sa pangunguna ni Hon. Reynaldo Valdez.
Sa pangangasiwa ni Police Major Nova Lyn Aggasid, Hepe ng Villaverde PNP ay matagumpay na naidaos ang aktibidad.
Tinalakay sa aktibidad ang mga programa ng Kapulisan, Simbahan at Pamayanan na mas lalong magpapalawig at mapagtibay ang kanilang adbokasiya na sumasang-ayon rin sa hangarin ng pamahalaan at kapulisan na magkaroon ng isang maunlad at mapayapang pamayanan para sa lahat ng mamamayan.
Layunin ng aktibidad na lalo pang pagyamanin ang maayos na ugnayan ng kominidad, kapulisan at religious sector tungo sa isang mapayapa, maunlad at maayos na lipunan.
Source: Villaverde Police Sation
Panulat ni PCpl Harry B Padua