Bago pa man ang pananalasa ng bagyong Kristine ay nagsagawa ng pre-emptive evacuation ang Viga PNP sa Barangay Pedro Vera Sitio Summit sa bayan ng Viga, Catanduanes noong Oktubre 22, 2024.
Katuwang sa isinagawang paglikas ang mga tauhan mula sa 2nd Provincial Mobile Force Company, MDRRMO at Viga LGU na pinamumunuan ni Mayor Emeterio M Tarin.
Agad na inilikas ang ilang mga residente at dinala sa itinalagang evacuation center sa Viga Rural Development High School (VRDHS) Barangay San Vicente, Viga, Catanduanes.
Hangad ng pulisya ang kaligtasan ng bawat isa at patuloy ang pagsusumikap na ito sa pakikipagtulungan ng mga ahensya ng gobyerno at lokal na pamahalaan para sa isang payapa at ligtas na pamayanan.